Bugso ng damdamin hindi dapat pairalin sa Recto Bank incident
Pumalag ang Malakanyang sa pahayag ni Senador Joel Villanueva na nasa state of confusion ngayon ang bansa matapos ang insidente sa Recto Bank kung saan binangga ng Chinese fishing vessel ang bangka ng mga Filipinong mangingisda.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi dapat na maging emosyonal kundi dapat na maging rational ang gobyerno sa naturang isyu.
Ayon pa kay Panelo, nilinaw lamang ng mga cabinet officials ang insidente sa Recto Bank.
Partikular kasi na binabatikos ni Villanueva ang insidente sa Recto Bank kung saan unang naiulat na nagkaroon ng collision na kalaunan ay binago at tinawag na allision at kalaunan ay maritime incident.
Ayon kay Panelo, hindi pa kasi mabatod ng pamahalaan noon ang tunay na insidente.
Dagdag pa ni Panelo, maituturing na intellectual challenge na ang sinumang hindi makaiintindi sa mga paliwanag ng ng opisyal ng gobyerno.
Una rito nanindigan si Panelo na kailanman ay hindi negotiable ang soberanya ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.