Recto Bank incident minaliit ni Pangulong Duterte ayon sa isang security expert

Hindi maliit na maritime accident ang nangyari sa Recto Bank.

Ito ang sinabi ni National Security Expert Rommel Banlaoi, kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi Banlaoi na inakala niya noong una na ang pananahimik ni Pangulong Duterte at hindi agad pagsasalita sa isyu ay bahagi ng kaniyang ‘silent protest’ laban sa China.

Pero ani Banlaoi maaring may pinaghuhugutan ang pangulo kaya hindi ito naglabas ng matapang na pahayag laban sa China.

Sa panig kasi ng China ay maliit na insidente lamang ang nangyari, pero sa panig ng mga mangingisdang Pinoy na naapektuhan ay isang malaking maritime incident ang naganap at hindi ordinaryong pangyayari.

Marahil ayon kay Banlaoi na para sa malalaking bansa at malalaking tao ay maliit na insidente lang ang naganap.

At kung maliit at ordinaryong maritime incident ang naging trato ng ilang opisyal sa naganap sa Recto Bank ay nangangahulugan itong hindi sila naging sensitibo sa maliliit na tao gaya ng mga mangingisdang Pinoy na naapektuhan.

Read more...