Tren ng MRT-3 nagka-aberya sa pagitan ng Buendia at Guadalupe; mga pasahero pinababa at naglakad sa riles
Isang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang nagka-aberya Miyerkules (June 19) ng umaga.
Naganap ang aberya pasado alas 8:00 ng umaga habang bumibiyahe ang tren sa northbound lane.
Dahil sa aberya, pinababa ang mga pasahero at napilitang maglakad sa riles sa pagitan Sen. Gil Puyat Avenue (Buendia) at Guadalupe stations sa Makati City.
Pagdating sa Guadalupe station ay pinasakay ang mga pasahero sa isa pang tren.
Ayon sa pahayag ng MRT-3 sa kanilang Facebook page, umabot sa 700 pasahero ang naapektuhan ng aberya.
Electrical failure ang dahilan ng aberya na maaring dahil umano sa luma nang electrical sub-components ng tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.