LOOK: Water level ng Angat dam nabawasan pa sa nakalipas na 24 na oras

By Dona Dominguez-Cargullo June 19, 2019 - 08:44 AM

Nabawasan pa ang water level sa Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Sa datos mula sa PAGASA Hydrology Division, nasa 161.30 meters ang water level sa Angat dam alas 6:00 ng umaga ng Miyerkules, June 19.

Mas mababa kumpara sa 161.78 meters na water level nito kahapon, June 18.

Ang La Mesa dam naman ay nasa 68.50 meters ang water level, hindi nabago sa nakalipas na 24 na oras.

Habang ang Ipo dam ay nasa 100.60 meters ang water level, nabawasan din mula sa 100.75 meters kahapon.

Nabawasan din ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

TAGS: Angat Dam, dam, dam status, Pagasa, water level, Angat Dam, dam, dam status, Pagasa, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.