Umabot na sa 13 katao ang bilang ng mga nasawi sa malakas na lindol na tumama sa China.
Sa datos ng mga otoridad, maliban sa 13 na nasawi, mayroon pang 199 na nasugatan habang nagpapatuloy pa ang rescue operations sa mga nasirang gusali.
Mahigit 8,000 katao ang kinailangang ilikas dahil maraming pasilidad ang nasira at gumuho bunsod ng lindol noong Lunes na ang sentro ay naitala sa Yibin sa Sichuan province.
May mga kalsada ring napinsala at kinailangang isara ang major highway sa Yibin.
Sa datos, mayroon ding mahigit 12,000 bahay na nasira at 73 gusali ang gumuho.
Ayon sa US Geological Survey magnitude 5.8 ang tumamang lindol pero sa datos ng government seismology ay nasa 6.0 ang magnitude ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES