Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, sa botong 6-1 ay tinanggap ng en banc ang certificate of candidacy ni Duterte bilang substitute presidential bet.
Ibig sabihain nito ay kasama na si Duterte sa listahan ng mga kandidato bilang presidente.
Pero paliwanag ni Bautista, isa itong administrative move sa bahagi ng poll body.
Puwede pa anyang maharang ang kandidatura ni Duterte ng hiwalay na disqualification case na inihain laban sa kanya ng broadcaster na si Ruben Castor.
“Substitution naman is allowed. From an administrative standpoint, we accept it but his candidacy is still subject to petition against him,” pahayag ni Bautista.
Submitted for resolution na ang disqualification case laban sa alkalde at sa Biyernes ng umaga ay may pagdinig ang Comelec first division ukol dito.