Mutual defense treaty hindi maaring ipangbala sa Recto Bank incident
Sinopla ng Malakanyang ang hirit ni Senador Panfilo Lacson na gamitin ang mutual defense treaty ng Pilipinas at Amerika para ipangbala sa China.
Ito ay matapos banggain ng Chinese fishing vessel ang bangka ng mga Filipinong mangingisda sa Recto Bank.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, nakasaad kasi sa MDT na kailangang magkaroon muna ng Armed
aggression laban sa Pilipinas bago ito maipatupad.
Wala naman aniyang nangyaring Armed aggression na insidente at parehong sibilyan ang sangkot dalawang bangkang pangisda.
Una rito sinabi ni Lacson na nakadudurog ng puso na basta na lamang sumuko si Pangulong Duterte sa China at hindi muna ginamit ang iba lang pamamaraan gaya ng Mutual Defense Treaty para labanan ang China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.