Yellow at red alert maghapong iiral sa Luzon Grid ngayong araw, June 19
Maghapon ang pag-iral ng yellow at red alert sa Luzon Grid ngayong araw ng Miyerkules, June 19.
Ito ay dahil sa manipis pa rin na reserba ng kuryente sa Luzon.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang pag-iral ng yellow alert ay nagsimula alas 8:00 hanggang alas 9:00 ng umaga, at alas 4:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi.
Habang pitong oras ang pag-iral ng red alert mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.
Ang available capacity ng kuryente sa Luzon ay 10,962MW habang ang peak demand ay 11,134MW.
Iaanunsyo naman ng NGCP at Meralco ang pagpapatupad ng manual load dropping o rotational brownout habang nakataas ang red alert kung kakailanganin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.