Duterte nag-host ng dinner sa Malacañang para sa incoming congressmen

Contributed photo

Nagtipon-tipon sa Malacañang Martes ng gabi ang mga uupong mambabatas sa 18th Congress.

Isang dinner meeting ang dinaluhan ng mga bagong kongresista kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama rin sa dinner ang panganay na anak ng pangulo na si Paolo na nanalo sa pagkakongresista ng unang distrito ng Davao City.

Nasa pulong din sina Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at Pampanga Rep. Dong Gonzales na kabilang sa mga nag-aagawan sa House Speakership.

Present din ang kontrobersyal na si dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema na naghain ng substitution bid upang maging kinatawan ng Duterte Youth Partylist.

 

Read more...