Sampung mangingisda ang naiulat na dinukot ng hinihinalang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa isla ng Borneo at dinala umano ang mga biktima sa Pilipinas.
Ayon sa otoridad, dinukot ng mga armadong bandido ang mga biktima habang naglalayag ang mga ito sa eastern Sabah sa Malaysia.
Nabatid na nakatakas naman ang anim na mangingisda.
Wala namang detalye ukol sa nationality ng mga dinukot na mangingisda.
Kinumpirma ni Sabah Police chief Omar Mammah sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkidnap sa mga mangingisda.
Nakasaad sa report na notoryus ang kidnapping sa mga dayuhan sa Mindanao na kagagawan ng iba’t ibang armadong grupo.
Ang mga suspek na humihingi ng malaking ransom at namumugot ng kanilang mga bihag ay kaalyado ng Islamic State (IS) group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.