Wattah! Wattah! Festival ng San Juan, apektado ng water crisis

By Rhommel Balasbas June 19, 2019 - 04:01 AM

Tuloy ang basaan pero kaunting tubig ang gagamitin sa inaabangang “Wattah! Wattah! Festival” sa San Juan sa June 24.

Ito ay dahil sa nararanasang kakulangan sa suplay ng tubig dahil sa bihirang pag-ulan bunsod ng El Niño.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni San Juan Mayor Guia Gomez na imbes na kanselahin ang selebrasyon ay titipirin na lang muna ang tubig sa kanilang pagdiriwang.

Ang basaan sa San Juan ay tila pagsariwa sa binyag bilang paggunita sa kapistahan ng santong patron ng lungsod na si San Juan Bautista.

Mula sa 50 fire trucks noong 2018, 16 na fire trucks na lamang ang gagamitin sa basaan ngayong taon.

Ayon kay City Environment and Natural Resources Office head Dante Santiago, handa ang San Juan na gamitin ang kakulangan sa tubig bilang oportunidad na palalimin ang kahulugan sa paggunita sa pista kasabay ng panawagan na tipirin ang tubig.

“While the city has already been advocating water conservation campaigns, we think it is about time that the festival itself will highlight the environmental aspect,” ani Santiago.

Samantala tuloy-tuloy ang pagrarasyon ng tubig sa siyam na baranggay sa San Juan na nakararanas ng water interruptions.

 

TAGS: basaan, June 24, kaunting tubig, lilimitahan, san Juan, water crisis, Wattah Wattah Festival, basaan, June 24, kaunting tubig, lilimitahan, san Juan, water crisis, Wattah Wattah Festival

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.