Rotating water supply interruptions ng Maynilad simula na ngayong June 19

By Len Montaño June 19, 2019 - 03:54 AM

Halos pitong milyong kabahayan ang apektado ng bawas o walang supply ng tubig simula ngayong Miyerkules June 19.

Ayon kay Maynilad Water Supply Operations head Ronald Padua, kalahati ng kanilang customers sa west zone ang mayroong 10 hanggang 16 oras na steady water supply habang 20 percent ay mayroong lamang 8 oras na tubig.

Bago ngayong araw ay nagpapatupad na ang Maynilad ng rotating service interruptions sa pagitan ng 10p.m. at 5a.m. para tugunan ang kumakaunting supply ng tubig bunsod ng pagbaba ng antas ang Angat Dam.

Pipilitin umano ng Maynilad na off-peak lamang ang reduction pero baka maramdaman na rin ang mahina o walang tubig sa off peak hours.

Hakbang ito ng Maynilad matapos bawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

 

TAGS: 7 milyong kabahayan, Angat Dam, June 19, maynilad, mwss, NWRB, off peak, rotating water supply interruptions, simula na, 7 milyong kabahayan, Angat Dam, June 19, maynilad, mwss, NWRB, off peak, rotating water supply interruptions, simula na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.