5-anyos na bata patay matapos atakihin ng 10 aso

By Rhommel Balasbas June 19, 2019 - 03:36 AM

Credit: Richard Falcatan / Ronda del Basilan

Patay ang isang limang taong gulang na bata matapos atakihin at lapain ng 10 aso sa Isabela City, Basilan.

Nag-viral sa social media ang larawan ng bata na nagtamo ng matinding pinsala buhat ng pag-atake ng mga aso.

Naglalakad lamang ang biktimang si Edzhar Damsani patungo sa tindahan ng kanyang lola sa terminal ng bus sa Barangay Agiada ng atakihin at kagatin siya ng mga aso.

Nakita ng isang pulis ang bata at isinugod agad ito sa Basilan Community Hospital.

Inilipat pa sa Zamboanga City Medical Center ang bata pero binawian din ng buhay Martes ng hapon.

Bilang pagsunod sa tradisyon ng mga Muslim, agad na inilibing ang bata.

Nababahala na ang lokal na pamahalaan sa patuloy na pagdami ng mga taong nabibiktima ng asong gala.

Umaabot na umano sa higit 300 ang kaso ng nakagat ng aso sa nakalipas na mga buwan.

Nangako si Mayor-elect Sitti Djalia Turabin-Hataman na tutugunan ang problema sa mga stray dogs.

“This incident calls our attention to the urgency of the issue,” ani Hattaman.

 

TAGS: 10 aso, 5 anyos, aso, Basilan, Basilan Community Hospital, bata, Edzhar Damsani, inatake, nilapa, patay, social media, stray dogs, Viral, 10 aso, 5 anyos, aso, Basilan, Basilan Community Hospital, bata, Edzhar Damsani, inatake, nilapa, patay, social media, stray dogs, Viral

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.