Palasyo duda sa magkaibang bersyon ng kapitan at cook ng bangkang binangga ng Chinese vessel

By Chona Yu June 19, 2019 - 01:19 AM

Nagpahayag ng pagdududa ang Palasyo ng Malakanyang sa magkaibang bersyon ng kuwento ng kapitan at cook ng FV Gember 1 nang sila ay banggain ng Chinese fishing boat sa Recto Bank.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, patunay lamang ito na dapat talagang magkaroon ng imbestigasyon ang Pilipinas at China sa insidente.

Sa bersyon anya ng kapitan, sinadya ang pagbangga sa kanila samantalang ang bersyon ng cook, na tanging gising noong maganap ang insidente, mukhang hindi sila nakita ng Chinese fishing boat.

Inihayag ni Panelo na mas mabuting hintayin ang resulta ng imbestigasyon ng magkabilang panig para lumitaw ang totoong nangyari.

Nilinaw ni Panelo na ito ang dahilan kaya nag-iingat ang Malakanyang sa paglalabas ng statement kaugnay ng insidente sa Recto Bank.

 

TAGS: barko ng China, binangga, cook, duda, hindi nakita, kapitan, magkaiba ang bersyon, Malakanyang, Palasyo, Presidential spokesman Salvador Panelo, Recto Bank, barko ng China, binangga, cook, duda, hindi nakita, kapitan, magkaiba ang bersyon, Malakanyang, Palasyo, Presidential spokesman Salvador Panelo, Recto Bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.