Duterte nagtalaga ng bagong NFA administrator

May napili na si Pangulong Rodrigo Duterte na kapalit ni National Food Administration (NFA) Administrator Jason Aquino.

Base sa appointment paper na may petsang June 11, itinalaga ng Pangulo si Judy Carol Dansal bilang NFA Administrator.

Si Dansal na rin ang magsisilbing bagong miyembro ng NFA council.

Pupunan ni Dansal ang hindi natapos na termino ni Aquino na hanggang June 30, 2019.

Si Dansal ay nagsilbing NFA Deputy Administrator for Marketing Operations.

Matatandaang Setyembre noong 2018 nang hilingin ni Aquino kay Pangulong Duterte na ma-relieve o matanggal siya sa kanyang pwesto kasunod ng mga paninisi sa NFA sa pagsipa ng presyo ng bigas.

 

Read more...