Duterte hindi pa makikipagpulong sa 22 mangingisda na binangga sa Recto Bank

By Chona Yu June 19, 2019 - 12:30 AM

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na bisitahin sa ngayon ang 22 mangingisda na ang bangka ay binangga ng Chinese fishing vessel sa Recto Bank.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa halip na si Pangulong Duterte, sina Agriculture Secretary Manny Piñol at Energy Secretary Alfonso Cusi ang naatasan na tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga mangingisda.

Ayon kay Nograles, tanging ang Pangulo lamang ang makasasagot kung haharapin nito ang mga mangingisda.

Mas makakabuting hintayin na lamang anya kung ano ang magiging pasya ng Pangulo.

Ayon pa kay Nograles, ang mahalaga ay binibigyang importansya ng Pangulo ang kapakanan ng mga mangingisda at ang isyu sa Recto Bank.

 

TAGS: 22 mangingisda, Agriculture Secretary Manny Piñol, bisitahin, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Energy Secretary Alfonso Cusi, Recto Bank, Rodrigo Duterte, walang balak, 22 mangingisda, Agriculture Secretary Manny Piñol, bisitahin, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Energy Secretary Alfonso Cusi, Recto Bank, Rodrigo Duterte, walang balak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.