Manila Water nag-anunsyo ng water interruption

Nagpapatupad ang Manila Water ng 8-12 oras na rotational water service interruptions sa gabi hanggang madaling araw.

Sa abiso ng Manila Water sa kanilang Twitter account, apektado ng rotational water interruptions ang mga lungsod ng sakop ng Metro Manila East Zone tulad ng Madaluyong, Marikina, Pasig, Pateros, San Juan, at Taguig.

Kasama rin ang ilang bahagi ng Makati, Manila at Quezon City.

Ito’y kasunod na hakbang ng National Water Resource Board (NWRB) na bawasan ang alokasyon ng tubig ng 2 concessionaires dahil sa pagbaba ng water level sa Angat Dam.

Mula 46 cubic meters per second, nasa 40 cubic meters per second na lamang ito.

Sinabi naman ng Manila Water na patuloy silang magbibigay ng anunsyo sa publiko tungkol sa lagay ng tubig at ilalathala din nila ang mga schedule ng water interruptions sa kanilang social media accounts.

Matatandaan na noong Marso ay nakaranas ang Manila Water customers ng malawakang water interruptions, dahilan ng multa sa kumpanya at utos na mag-refund ito sa kanilang customers.

Read more...