Manila Water nag-anunsyo ng water interruption

By Noel Talacay June 19, 2019 - 12:13 AM

Nagpapatupad ang Manila Water ng 8-12 oras na rotational water service interruptions sa gabi hanggang madaling araw.

Sa abiso ng Manila Water sa kanilang Twitter account, apektado ng rotational water interruptions ang mga lungsod ng sakop ng Metro Manila East Zone tulad ng Madaluyong, Marikina, Pasig, Pateros, San Juan, at Taguig.

Kasama rin ang ilang bahagi ng Makati, Manila at Quezon City.

Ito’y kasunod na hakbang ng National Water Resource Board (NWRB) na bawasan ang alokasyon ng tubig ng 2 concessionaires dahil sa pagbaba ng water level sa Angat Dam.

Mula 46 cubic meters per second, nasa 40 cubic meters per second na lamang ito.

Sinabi naman ng Manila Water na patuloy silang magbibigay ng anunsyo sa publiko tungkol sa lagay ng tubig at ilalathala din nila ang mga schedule ng water interruptions sa kanilang social media accounts.

Matatandaan na noong Marso ay nakaranas ang Manila Water customers ng malawakang water interruptions, dahilan ng multa sa kumpanya at utos na mag-refund ito sa kanilang customers.

TAGS: 8-12 oras, Angat Dam, gabi hanggang madaling araw, manila water, mwss, NWRB, rotational water service interruptions, 8-12 oras, Angat Dam, gabi hanggang madaling araw, manila water, mwss, NWRB, rotational water service interruptions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.