Signal #1 nakataas sa 12 lugar sa Mindanao dahil sa bagyong Onyok

ONYOK Dec 17Bagaman naalis na ang lahat ng public storm warning signals dahil sa bagyong Nona, nagtaas naman ng storm warning signal number 1 ang PAGASA sa 12 lugar sa Mindanao dahil sa bagyong Onyok.

Sa weather bulletin ng PAGASA, ang bagyong Onyok ay huling namataan sa 625 km East ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers kada oras at kumikilos sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers kada oras.

Dahil sa patuloy na pagbabanta ng bagyong Onyok sa CARAGA Region, itinaas na ng PAGASA ang signal number 1 sa Surigao del Sur kabilang na ang Siargao Island, Surigao del Norte, Dinagat Province, Misamis Oriental, Camiguin, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao del Norte, Compostela Valley at Bukidnon.

Ang mga residente na nasa mababang lugar na sakop ng storm warning signal ay pinapayuhang maging alerto sa mga pagbaha at landslides.

Sa forecast ng PAGASA, sa Lunes inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

Read more...