Grupo ng health workers magsasagawa ng kilos protesta sa QC

By Noel Talacay June 18, 2019 - 11:11 PM

Nakatakdang magsagawa ng kilos protesta ang grupo ng mga manggagawa sa kalusugan alas 10:00 umaga ng Miyerkules, June 19.

Ayon kay Dr. Josh San Pedro, spokesperson ng Coalition for People’s Right to Health (CPRH), gagawin ang kanilang rally sa harapan mismo ng PhilHealth Office, Corporate Building sa Quezon City.

Layunin aniya ng kilos protesta ang panawagan para sa masusing imbestigasyon sa mga anomalya at papanagutin ang lahat ng sangkot sa usapin ng korapsyon at katiwalian sa PhilHealth.

Ipapanawagan anya ng grupo na palakasin ang public health care system gamit ang pondo ng gobyerno.

Inaasahang dadalo sa protesta ang mga pasyente at kanilang mga kaanak, doktor, nurse at mga health workers na umanoy saksi sa hirap ng mga pasyente na makakuha ng mga serbisyong pangkalusugan.

 

TAGS: Coalition for People's Right to Health, health care system, health workers, kilos-protesta, philhealth, Rally, Coalition for People's Right to Health, health care system, health workers, kilos-protesta, philhealth, Rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.