1 patay, 5 sugatan sa demolisyon sa Bacoor, Cavite

By Clarize Austria June 18, 2019 - 10:12 PM

Screengrab of TA Kace video

Patay ang isang gwardya habang sugatan naman ang lima pang katao sa demolisyon sa isang lupain sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite Martes ng umaga.

Ayon sa pulisya, kinilala ang nasawi na si Frederick Marquez, 29 anyos, security guard ng Jerico Security Services.

Nagtamo ng saksak si Marquez at dead on arrival na nang dumating sa ospital.

Sugatan naman ang kasamahan nitong gwardya na si Rafael Flores, 52 anyos na siyang nagdala sa biktima sa ospital.

Nasugatan din ang apat na residente na sina Efren Morado, 24 anyos, Guilberto Oblino, 26 anyos, Efjane Morado, 22 anyos, at Kevin Chris Calinog, 24 anyos, na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Nagsimula ang gulo nang magkainitan ang mga residente at tauhan ng Althorp Land Holdings na nagsagawa ng clearing operations sa lugar.

Nagkaroon ng gulo at nagkasakitan ang dalawang kampo na nauwi naman sa pagkamatay ng isang biktima.

Inaresto naman ang iba pang security guards na sina Christian Nobre, 32 anyos Michael Regencia, 30 anyos, Rowy Callar, 26 anyos, Jeramie Gonzaga, 26 anyos, at Jay-R Herrero, 20 anyos.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bacoor City Police ang lima para sa imbestigasyon.

Samantala, mapapanood sa video ng Facebook account holder na may pangalang TA Kace ang gulo sa demolisyon.

Sa gitna ng ginagawa ng demolition team ay humaharang at nagmamakaawa ang mga residente.

TAGS: 1 patay, 5 sugatan, Althorp Land Holdings, Bacoor, Bacoor City police, cavite, demolisyon, gwardya, Jerico Security Services, nagkainitan, 1 patay, 5 sugatan, Althorp Land Holdings, Bacoor, Bacoor City police, cavite, demolisyon, gwardya, Jerico Security Services, nagkainitan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.