Arestado ang ika-siyam na most wanted person ng Navotas City matapos ang ikinasang operasyon ng pulisya.
Ang suspek ay nakilalang si Romeo Rocela, 31 anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. Daang Hari.
Si Racela ay may warrant of arrest sa kasong frustrated murder.
Ayon sa pulisya, bandang 1:40 Martes ng hapon nahuli ang suspek sa Brgy. Sipac.
Hindi naman na pumalag ang suspek sa pag-aresto ng otoridad.
Nakakulong na ito ngayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.