Pagdinig ng SC sa petisyon ng mga mangingisda sa WPS ipinagpaliban

Muling nagtakda ang Supreme Court ng bagong petsa sa oral argument ukol sa petisyon ng mga mangingisda sa Palawan ukol sa proteksyon sa marine environment sa West Philippine Sea (WPS).

Batay sa anunsiyo ng Supreme Court Public Information Office, isasagawa ang oral arguments mula June 25 hanggang July 2.

Sa petisyon ng Kalayaan Palawan Farmers and Fisherfolk Association, matatandaang naglabas ang SC ng writ of kalikasan para sa proteksyon at pag-rehabilitate ng marine environment sa Scarborough Shoal, Ayungin Shoal at Panganiban Reef.

Hiniling sa SC ng grupo kasama ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) at abogado na si Chel Diokno na ipag-utos ng administrasyong Duterte pagpapatibay ng Philippine environmental laws sa WPS.

Read more...