Kapa kinasuhan na ng SEC dahil sa investment scam

Inquirer file photo

Nagsampa na ng kaso ang Securities and Exchange Comission o SEC laban sa Kapa Community Ministry International Inc. kaugnay ng diumano’y investment scam, ngayong hapon, June 18.

Naghain ng kasong paglabag sa Republic Act No. 8799 o Securities Regulation Code (SRC) ang SEC sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) laban sa mga opisyal ng Kapa.

Kasama sa mga sinampahan ng reklamo ang presidente at nagtatag ng Kapa na si Joel Apolinario, katiwala nitong si Margie Danao, at sekretarya na si Reyna Apolinario.

Bukod dito, sina Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Catherine Evangelista, at Rene Catubigan sa pagpopromote ng scam.

Ayon sa SEC, maglalabas pa sila ng mga pangalan ng mga sangkot sa anumalya habang patuloy ang imbestigasyon.

Matatandang na noong isang araw, sinabi ng tagapagsalita ng Kapa na si Danny Mangahas na hinihintay na lamang nila ang pormal na reklamo ng SEC.

Ito ay para makapagsumite na ng kanilang pormal na sagot at dumaan sa tamang proseso ng paglilitis.

Read more...