Malacañang: Duterte hindi titiklop sa China kaugnay sa Recto Bank incident
Nanindigan ang Malacañang na Hindi malambot at lalong hindi tiklop si Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Ito ay matapos sabihin kagabi ng pangulo na isang maliit na aksidenteng pandagat lamang ang pagbanga ng Chinese fishing vessel sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi rin nananahimik si Pangulong Duterte sa nasabing insidente.
Nagiging maingat lamang ang pangulo sa kanyang mga pahayag dahil hindi pa naman tapos ang ginagawang magkahiwalay na imbestigasyon ng China at Pilipinas kaugnay sa insidente sa Recto Bank.
Ayon kay Nograles, wala pang tugon hanggang ngayon ang China kaugnay sa inihaing diplomatic protest ng Pilipinas.
Nauna dito ay sinabi ng pangulo na kailangang sundan ang lahat ng anggulo sa nasabing pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.