Sa inilabas na abiso, ito ay bunsod ng isasagawang rehabilitasyon ng Bocaue River Bridge mula June 19 hanggang September 7, 2019.
Ilan sa mga aayusin sa tulay ang deck slab replacement at girder strenthening.
Magkakaroon ng tatlong stage ang rehabilitasyon sa tulay.
Ayon sa NLEX Corporation, isasara ang 100-meter portion ng Bocaue River Brigde southbound middle lane mula June 19 hanggang July 12, 2019.
Magpapatupad naman anila ang counterflow scheme kung kinakailangan.
MOST READ
LATEST STORIES