NLEX binalaan ang publiko sa pagsikip ng trapiko sa Bocaue, Bulacan
Nag-abiso sa publiko ang North Luzon Expressway Corporation sa posibleng maranasang bigat ng daloy ng trapiko sa susunod na tatlong buwan.
Sa inilabas na abiso, ito ay bunsod ng isasagawang rehabilitasyon ng Bocaue River Bridge mula June 19 hanggang September 7, 2019.
Ilan sa mga aayusin sa tulay ang deck slab replacement at girder strenthening.
Magkakaroon ng tatlong stage ang rehabilitasyon sa tulay.
Ayon sa NLEX Corporation, isasara ang 100-meter portion ng Bocaue River Brigde southbound middle lane mula June 19 hanggang July 12, 2019.
Magpapatupad naman anila ang counterflow scheme kung kinakailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.