Bagyong Nona, humina pa at isa na lamang LPA
By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2015 - 12:05 PM
Tuluyan nang humina at ngayon ay isa na lamang Low Pressure Area ang Bagyong Nona
Kasabay nito, inalis na ng PAGASA ang storm warning signals saan mang panig ng bansa.
Sa kabila ng paghina, maghahatid pa rin ng pag-ulan ang nasabing LPA sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng Luzon.
Huling namataan ng PAGASA ang nasabing LPA sa 75 km west ng SBMA sa Olongapo City, Zambales.
Inaasahan ng PAGASA na tuluyan nang malulusaw ang nasabing LPA na dating si Nona.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.