Ilang tauhan ng Philippine Army dadaan sa training kasama ng Israeli Forces
Hindi bababa sa 180 miyembro ng Philippine Army ang dadaan sa counter-terrorism training sa ilalim ng Israeli Defense Forces (IDF).
Ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng Philippine Army, ang pagsasanay ay pangungunahan ng sampung miyembro ng I-D-F.
Kabilang sa traning ang mga tauhan sa 2nd Infantry Division, 5th Infantry Division, 7th Infantry Division, 9th Infantry Division, at maging ang Special Forces Regiment, Scout Ranger Regiment at Light Reaction Regiment.
Ani Zagala, maibabahagi sa training ng I-D-F ang kanilang mga karanasan at mga ginamit ng teknolohiya.
Makatutulong din aniya ito para mapatibay ang lakas ng pwersa ng tropa ng pamahalaan sa pamamagitan ng palitan ng kaalaman at teknolohiya lalo na pagdating sa command at control.
Isasagawa ang pagsasanay sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija mula June 26 hanggang July 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.