Imbestigasyon ng Philippine Coast guard sa maritime incident sa Recto bank tatapusin na.

By Ricky Brozas June 18, 2019 - 10:11 AM

Inquirer file photo

Patapos na ang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority o MARINA hinggil sa pagbangga ng isang Chinese vessel sa isang bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank, kamakailan.

Ayon kay PCG Spokesperson Capt. Armand Balilo, malapit nang matapos ang kanilang pagsisiyasat sa insidente.

Sa ngayon aniya ay may kaunti lamang na inaayos ang PCG at Marina, bago isumite ang resulta ng imbestigasyon sa Malakanyang at maisapubliko ito.

Sinabi ni Balilo,

Nauna nang sinabi ng Palasyo na hihintayin muna ng gobyerno ang resulta ng imbestigasyon ng ating mga kinaukulang ahensya, maging ang pagsisiyasat ng China, bago maglabas ng anumang desisyon hinggil sa insidente.

 

TAGS: Capt. Armand Balilo, Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority o MARINA, Capt. Armand Balilo, Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority o MARINA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.