Publiko binalaan sa kumakalat na pekeng anti-rabies drugs.
Pinag-iingat ng Food and Drug Administration(FDA) ang publiko sa mga kumakalat na pekeng anti-rabies vaccines.
Kasunod ito nang pagkakadiskubre ng ahensya na ipinagbibili sa merkado ang Anti-Rabies Serum (Equine) 5ml Vial at Purified Rabies Vaccine (Vero Cell) Speeda.
Sa abiso,, may tatak na Equirab ang Anti-Rabies Serum (Equine) at sinertipikahan na ng BSV Bioscience Phils., Inc., ang Marketing Authorization Holder ng produkto na pineke ang kanilang gamot.
Isinapubliko na rin ng FDA ang batch numbers ng mga pekeng bakuna, gayundin ang mga palatandaan sa kahon ng mga ito.
Samantala, ipinaliwanag na rin ng ahensiya ang mga palatandaan sa kahon ng mga pekeng Purified Rabies Vaccine (Vero Cell) Speeda.
Paalala ng FDA sa mga distributors at consumers na bumili lang sa mga establisyemento na may lisensya mula sa ahensya at inabisuhan na rin ang Bureau of Customs na pigilan ang importasyon ng mga nabanggit na pekeng produkto.(JE)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.