Mga bumibisita kay Eddie Garcia pinalilimitahan ng doktor.

Dahil nananatiling kritikal ang kondisyon ng beteranong aktor, nagbilin ang doktor ni Eddie Garcia sa pamilya nito na kung maari ay limitahan ang bisita.

Sa latest medical bulletin, kailangan limitahan ang pagbisita sa 90-anyos na aktor para maiwasan ang anuman komplikasyon.

Inilabas ni Dr. Regina Macalintal-Canlas, ang doktor na gumagamot sa aktor, ang medical bulletin.

Patuloy din na naka-depende sa ventilator ang paghinga ng tinaguriang ‘Manoy’ ng Philippine showbiz at suportado naman ng mga gamot ang kanyang blood pressure.

Nagkaroon ng severe cervical fracture ang aktor sa isang location shoot ng kanyang bagong telenovela nang mapatid ito sa isang kable.(JE)

 

Read more...