Pagdinig sa reklamo laban sa Chinese na si Jacky Co na umano’y nasa likod ng shabu shipment sa bansa, itinakda na ng DOJ.
Pinadalhan na ng subpoena ng Department of Justice(DOJ) ang mga Chinese at iba pang respondents sa inihaing reklamong may kaugnayan sa droga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Pirmado ang subpoena nina Senior Assistant State Prosecutor Claraisa Kuong, Asst. State Prosecutor Noel Antay Jr. at Asst. State Prosecutor Rodan Parrocha.
Naka address ang subpoena sa legal counsel ng mga respondents na si Atty. Cipriano Robielos III.
Kasama sa subpoena sina Xu Zhi Jian alyas Jacky Co, kapatid nitong si Dong An Dong at 15 iba pang inidbidwal na isinasangkot sa smugging ng iligal na droga sa bansa.
Pinadadalo ng piskalya ang mga ito sa isasagawang preliminary investigation sa July 5 at July 10 ganap na alas dos ng hapon.
Si Jacky Co ay una nang pinangalanan ni Sen. Panfilo Lacson na umano’y nasa likod ng 276 kilogram ng shabu shipment na nagkakahalaga ng P1.8 billion na nasabat sa Manila International Container Port noong Marso ng 2019 na itinago sa mga packaging ng mga tsa-a.
Kasama rin umano si Co sa watchlist ng Interpol.
Nauna na ring sinabi ng PDEA na ang consignee ng shipment na nasabat sa MICP ay ang Wealth Lotus Empire Corp.
Naniniwala ang PDEA na ang “Golden Triangle” drug syndicate ang nasa likod nag naturang shabu shipment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.