Nabawasan ang water level ng mga dam sa Luzon sa nakalipas na 24 na oras.
Sa datos ng PAGASA Hydrology-meteorology Division, alas 6:00 ng umaga ng June 18, nasa 161.78 meters ang water level sa Angat dam mas mababa ito kumpara sa 162.39 meters kahapon Lunes ng umaga.
Ang La Mesa dam naman ay nasa 68.50 meters ang water level ngayon mas mababa sa level nito kahapon na 68.54 meters.
Nabawasan din ang water level sa Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams.
Habang ang Ipo Dam naman ay bahagyang nadagdagan ang water level at ngayon ay nasa 100.75 meters mula sa 100.73 meters kahapon.
MOST READ
LATEST STORIES