Dalaga, patay sa sariling amain sa North Cotabato

By Marlene Padiernos June 18, 2019 - 09:18 AM

Kagimbal-gimbal ang inabot ng isang 17-anyos na dalagita sa lalawigan ng North Cotabato sa kamay ng kanyang sariling amain.

Napaslang ang Grade 11 student na biktima na kinilalang si Jeanny Mae Rollan ng kanyang stepfather na si Jesus Socito na kapwa residente ng housing area Brgy. Upper Glad 1 sa munisipalidad ng Midsayap.

Sa ulat ng pulisya, nanlaban ang dalagita matapos siyang tangkaing gahasahin ng suspek.

Sa galit ng Socito ay pinagtataga nito ang biktima sa ulo at mukha.

Patay on the spot ang dalagita matapos magtamo ng malalaking sugat sa ulo at mukha.

Agad namang kusang sumuko ang suspect sa kanyang mga kaibigan maging sa mga opisyal ng Barangay.

Kasalukuyan namang nasa ilalim na ng kustodiya ng Midsayap PNP ang suspek habang patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya.(MP)

 

TAGS: Midsayap PNP, North Cotabato, Midsayap PNP, North Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.