Panukalang para magtayo ng Philippine Coast Guard Hospital malapit nang maging batas

By Erwin Aguilon June 18, 2019 - 09:04 AM

Naghihintay na lamang ng lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging ganap na batas ang panukalang pagtatayo ng Philippine Coast Guard Hospital.

Sa ilalim ng House Bill 8833, itatayo ang PCG hospital sa lower Bicutan, Taguig City.

Ang ospital ang tutugon sa mga pangangailangang medikal ng lahat ng PCG personnel, mga sibilyang empleyado, kanilang kaanak at mga retirado ng coast guard.

Mandato rin nito na magsagawa ng medical examination sa lahat ng trainees o sinasanay ng PCG, i-monitor ang kondisyon ng mga pasyente at lumikha ng nauugnay na impormasyon para sa pagbuo ng mga polisiya.

Kapag maging batas manggagaling ang pondo ng PCGGH sa General Appropriations Act.(EA)

 

TAGS: General Appropriations Act, House Bill 8833, Philippine Coast Guard Hospital., Rodrigo Duterte, General Appropriations Act, House Bill 8833, Philippine Coast Guard Hospital., Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.