Habagat nakakaapekto sa Kanlurang bahagi ng Luzon; ITCZ, makakaapekto naman ng Mindanao

By Marlene Padiernos June 18, 2019 - 06:54 AM

Southwest monsoon o hanging habagat pa rin ang nakakaapekto sa Kanlurang bahagi ng Luzon na magdadala ng mga pag-ulan ngayong araw ng Martes (June 18) ayon sa Pagasa.

Samantala, makakaapekto naman sa Bahagi ng Mindanao ang Intertropical Convergence zone (ITCZ).

Ayon kay Pagasa weather forecaster Ezra Bulquerin, ang ITCZ ay magdudulot ng maulap na kalangitan, at kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Mindanao.

Sa loob ng 24 oras ang Palawan naman ay inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat , pagkulog.

Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon ay makararanas ng fair weather kasama na ang Metro Manila.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan at asahan na ang kalat-kalat na pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.

TAGS: Ezra Bulquerin, Intertropical Convergence Zone (ITCZ), Pag-asa, Southwest monsoon o hanging habagat, Ezra Bulquerin, Intertropical Convergence Zone (ITCZ), Pag-asa, Southwest monsoon o hanging habagat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.