Chinese President Xi Jinping bibisita sa North Korea sa unang pagkakataon

By Rhommel Balasbas June 18, 2019 - 04:33 AM

Nakatakdang lumipad pa-North Korea si Chinese President Xi Jinping araw ng Huwebes para sa dalawang araw na state visit.

Ito ang kauna-unahang state visit ng isang Chinese leader sa North Korea sa loob ng 14 na taon, at kauna-unahan din para kay Xi simula nang maupo sa pwesto noong 2012.

Ayon sa state media, nakatakdang pag-usapan nina Xi at North Korean leader Kim Jong-un ang mga suliraning kinahaharap ng Korean Peninsula.

Magaganap din ang pagbisita ni Xi bago ang G-20 summit sa Japan sa susunod na linggo kung saan inaasahang makakapulong ni Xi si US President Donald Trump.

Magugunitang apat na beses nang bumisita sa China si Kim upang pagandahin ang relasyon ng Pyongyang sa Beijing matapos ang serye ng sanctions ng UN dahil sa nuclear activities ng North Korea.

 

TAGS: Chinese President Xi Jinping, korean peninsula, North Korean leader Kim Jong-Un, nuclear activities, sanction, state visit, UN, US President Donald Trump, Chinese President Xi Jinping, korean peninsula, North Korean leader Kim Jong-Un, nuclear activities, sanction, state visit, UN, US President Donald Trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.