Oil price hike epektibo na ngayong umaga
Epektibo na ngayong alas-6:00 ng umaga ang taas-presyo sa petrolyo ng mga kumpanya ng langis.
Ang oil price hike ay kasunod ng tatlong linggong pagbaba sa presyo ng langis kabilang na ang isang big-time rollback na halos P3.
Lahat ng kumpanya ng langis ay may dagdag na P0.35 sa kada litro ng gasolina at P0.20 naman sa kada litro ng diesel.
Ang Shell, Petron, Seaoil at Caltex naman ay may dagdag ding P0.25 sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang pagtaas sa presyo ng petrolyo ay dahil sa nagaganap na tensyon sa Middle East.
Samantala sa 2020, posibleng tumaas pa lalo ang presyo dahil oobligahin ang mga barko na nagdadala ng imported petroleum products na gumamit ng langis na may kaunting sulfur.
Sasabayan pa ito ng huling bahagi ng excise tax sa langis na ipatutupad sa January 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.