1 patay, 2 sugatan sa aksidente sa Cebu

By Len Montaño June 18, 2019 - 04:05 AM

Talamban Police Station photo

Inilagay sa hospital arrest ang 35 anyos na driver matapos na ang multicab pickup na minamaneho nito ay mabangga ang isang motorsiklo na sakay ang isang mag-asawa sa Sitio Nasipit, Barangay Talamban, Cebu City.

Ayon kay Police Major Joven Taneo, Talamban Police Station chief, hindi na umabot ng buhay sa ospital ang driver ng motorsiklo na si Ronald Heyrana, 49 anyos habang ang misis nito ay na-confine dahil sa tinamong mga sugat.

Naospital din ang driver ng pickup na si Alex Alegabres matapos masugatan sa aksidente pero ito ay naka hospital arrest.

Nabatid na binabagtas ng motorsiklo ang papuntang Barangay Talamban habang si Alegabres ay nasa kabilang direksyon.

Nawalan ng kontrol ang suspek at ang nagmamaneho ng motorsiklo sa kani-kanilang mga sasakyan, dahilan ng banggaan sa kurbadong bahagi ng kalsada.

Mahaharap si Alegabres sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and physical injury at damage to property.

 

TAGS: 1 patay, 2 sugatan, aksidente, Cebu City, damage to property, hospital arrest, motorsiklo, multicab pickup, nawalan ng kontrol, reckless imprudence resulting to homicide and physical injury, 1 patay, 2 sugatan, aksidente, Cebu City, damage to property, hospital arrest, motorsiklo, multicab pickup, nawalan ng kontrol, reckless imprudence resulting to homicide and physical injury

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.