Sa isang pulong balitaan araw ng Lunes, sinabi ni PAGASA weather division chief Esperanza Cayanan na inaasahang sa Hulyo pa darating ang mas maraming ulan na makapagpapataas sa lebel ng tubig sa Angat Dam.
“We expect more rains come July and we expect the water level at Angat to gradually increase at that time,” ani Cayanan.
Ayon pa sa PAGASA official, Hulyo, Agosto at Setyembre ang pinakamaulang mga buwan kada taon.
Iginiit naman ni Cayanan na kinakailangan ang dalawa hanggang tatlong bagyo upang maibalik sa minimum operating level na 180 meters ang antas ng tubig sa Angat.
Kahapon, araw ng Lunes, sumadsad pa sa 162.39 meters ang lebel ng tubig sa Dam.
Ibinabala na rin ng National Water Resources Board (NWRB) ang posibilidad ng pagbawas sa alokasyon ng tubig para sa domestic needs sakaling bumaba pa sa 160 meters ang tubig.