Aiko Melendez umamin na na-bully at kinalbo siya noong bata

By Len Montaño June 18, 2019 - 03:41 AM

Kasabay ng Father’s Day araw ng Linggo, inalala ng aktres na si Aiko Melendez ang kanyang mga karanasan noong bata pa siya at kung anong klase siyang ina at ama na rin sa kanyang mga anak.

Ayon kay Aiko, maswerte ang kanyang mga anak na sina Andre at Marthena dahil sa kabila ng kanyang imperfections ay hindi matatawaran ang pagmamahal niya sa mga ito.

Ikinunwento rin ni Aiko ang mga karanasan nito noong siya ay bata pa siya.

Noong bata pa umano ang aktres ay lagi itong binu-bully.

“GI” baby ang tawag kay Aiko ng kanyang mga classmates at schoolmates dahil hindi siya marunong magsalita ng Filipino at English at Japanese lang ang alam nito.

Isang araw anya ay nagkasakit siya dahil sa aso ng kanyang ninang at siya ay kinalbo.

Pero proud na sinabi ng aktres na pinagtibay siya ng panahon at kahit halos wala nang makain ay lumaban siya para mabuhay.

 

TAGS: Aiko Melendez, Bullying, English, GI baby, japanese, kinalbo, Aiko Melendez, Bullying, English, GI baby, japanese, kinalbo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.