Piñol itinalagang tagapangasiwa sa pangangailangan ng mga mangingisdang binangga sa Recto Bank

By Chona Yu June 18, 2019 - 01:06 AM

Tinututukan na ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang mga pangangailangan ng 22 Filipinong mangingisda na binangga ang bangka ng Chinese Fishing vessel sa Recto Bank.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito ang napagkasunduan ng Economic Development and Security, Justice, and Peace clusters meeting na ginanap araw ng Lunes sa Malakanyang.

Ayon kay Nograles, pinagagamit kay Piñol ang lahat ng government resources para maayudahan ang mga mangingisda.

Kabilang na rito ang Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pa.

Ayon kay Nograles, si Energy Secretary Anfonso Cusi naman ang mangangasiwa sa mga pangangailangan sa Mimaropa region kung saan nakabase ang mga mangingisda na binangga ng Chinese fishing vessel.

 

TAGS: 22 mangingisda, Agriculture Secretary Manny Piñol, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Chinese fishing vessel, government resources, pangangailangan, Recto Bank, tagapangsiwa, 22 mangingisda, Agriculture Secretary Manny Piñol, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Chinese fishing vessel, government resources, pangangailangan, Recto Bank, tagapangsiwa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.