Magkapatid na preso patay, jail guard sugatan sa ambush sa Bohol

By Len Montaño June 18, 2019 - 12:35 AM

Patay sa pamamaril ang magkapatid na preso habang sila ay papunta sana sa hearing ng kanilang kaso sa Carmen, Bohol Lunes ng umaga.

Ayon kay Police Major Conrad Manatad, pababa na sana mula sa sasakyan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sina Romeo at Ricky Dingal nang sila ay pagbabarilin.

Nakatakdang pumunta ang magkapatid sa hearing ng kanilang kaso na may kaugnayan sa droga sa Regional Trial Court sa Carmen.

Isang puting van ang umanoy lumapit sa sasakyan ng BJMP kung saan bumaba ang isang armadong lalaking naka-bonnet at binaril ang magkapatid.

Nasugatan rin sa pamamaril ang jail guard na si Jorge Lungay.

Nagsagawa ang pulisya ng hot pursuit operation para tugisin ang suspek.

 

TAGS: ambush, BJMP, Bohol, Carmen, Droga, hearing, hot pursuit, jail guard, magkapatid, naka bonett, patay sa pamamaril, preso, sugatan, ambush, BJMP, Bohol, Carmen, Droga, hearing, hot pursuit, jail guard, magkapatid, naka bonett, patay sa pamamaril, preso, sugatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.