Ilan pang kumpanya, magpapatupad din ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo
By Clarize Austria June 17, 2019 - 09:41 PM
Magpapatupad na rin ang Petron, Flying V, at Phoenix Petroleum ng dagdag-singil sa presyo ng ilang produktong petrolyo simula 6:00, Martes ng umaga (June 18).
P0.35 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina hahang P0.20 naman kara litro ng diesel.
Bukod dito, tataas din ang presyo ng kerosene ng P0.25 kada litro.
Ang oil price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.