Eddie Garcia, nananatiling kritikal ang kondisyon

By Clarize Austria June 17, 2019 - 09:18 PM

Nananatiling kritikal ang kondisyon ng batikang aktor na si Eddie Garcia, ayon sa pinakahuling medical bulletin na inilabas ng Makati Medical Center.

Ayon kay Dr. Regina Macalintal-Canlas na tumitingin kay Garcia, nakadepende pa rin ang aktor sa ventilator upang makahinga.

Patuloy pa rin aniya ang medikasyon para suportahan at mapanatili sa ayos ang presyon nito.

Pinayuhan din ng doktor ang pamilya ni Garcia na limitahan muna ang mga bisita upang maiwasan ang mga kumplikasyon.

Matatandaang isinugod sa ospital si Garcia dahil sa aksidenteng nangyari sa kasagsagan ng taping para sa isang palabas noong June 8.

TAGS: eddie garcia, makati medical center, eddie garcia, makati medical center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.