WATCH: Lorenzana, kinumpirma ang pagpapatawag kay Chinese ambassador Zhao Jianhua sa Malakanyang
Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipatatawag sa Palasyo ng Malakanyang si Chinese ambassador Zhao Jianhua.
Ito ay para pagpaliwanagin si Zhao kaugnay ng insidente sa Recto Bank kung saan binangga ng Chinese fishing vessel ang bangka ng mga Filipinong mangingisda sa bahagi ng Recto Bank.
Ayon kay Lorenzana, sa ngayon kasi mga unofficial statement pa lamang ang nakukuha ng Pilipinas.
Kapag naipatawag aniya sa Malakanyang si Zhao ay umaasa ang Pilipinas na maliliwanagan na ang naturang insidente.
Matatandaang bandang Lunes ng hapon, isang reliable source sa Malakanyang ang nagbanggit na ipatatawag nsi Zhao matapos ang isinagawang Justice and Peace cabinet cluster meeting.
Hindi naman binanggit ni Lorenzana ang eksaktong petsa ng pagpunta ni Zhao sa Malakanyang.
Narito ang pahayag ni Lorenzana:
WATCH: Defense Secretary Delfin Lorenzana: Cabinet Security, Justice and Peace cluster to invite Chinese Ambassador Zhao Jianhua to explain re Recto Bank incident. @dzIQ990 @inquirerdotnet pic.twitter.com/P4aq817mce
— chonayuINQ (@chonayu1) June 17, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.