LOOK: Mayor-elect Isko Moreno, Erap Estrada nagkita na makalipas ang tatlong taon
Nagtungo si Mayor-elect Francisco Isko Moreno Domagoso sa Manila City Hall upang makipagkita kay outgoing Mayor Joseph “Erap” Estrada, Lunes ng hapon.
Ito ang unang beses na nagkitang muli ang dalawa simula noong halalan 2016.
Ang pagkikitang ito ay isang courtesy call para sa maayos na transisyon ng pamamahala sa Lungsod ng Maynila sa nalalapit na ang inagurasyon sa June 30.
Isa sa mga napag-usapan sa pagpupulong ang mga dokumentong kinakailangan ng kampo ni Moreno para masigurong walang aberya sa transisyon.
Sa talumpati ni Estrada, sinabi nito na kumpiyansa siya sa kakayanan ni Moreno na mas maisayos ang Maynila.
Naghabilin din ang outgoing mayor na sana ipagpatuloy o higitan pa ng bagong alkalde ang mga nasimulang programa para sa kalusugan, edukasyon at pulisya.
Sagot naman ni Moreno, titignan nila kung may itutuloy sa mga naumpisahang proyekto ng outgoung mayor.
Nanawagan din si Moreno sa mga empleyado ng pamahalang lokal ng Maynila at mga Manileño na tulungan siya sa pagpapaunlad ng lungsod.
Orihinal na nakatakda ang pagkikita nila Moreno at Estrada noong June 14 ngunit hindi natuloy dahil masama ang pakiramdam ni Moreno.
Si Moreno ang naging bise alkalde ni Estrada mula 2013 hanggang 2016 at naging magkaalyado noon.
PANOORIN: Outgoing Mayor Joseph Estrada, nakipagkita na kay Mayor-elect Isko Moreno matapos ang tatlong taon. @dzIQ990 pic.twitter.com/7DYILLtPYv
— Clarize Austria (@_clarizeaustria) June 17, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.