Marinduque Rep. Velasco, namudmod ng regalo sa mga kasamahang kongresista

By Erwin Aguilon June 17, 2019 - 07:30 PM

Ibinunyag ng isang kongresista na namimigay ng regalo si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang paraan ng pagpapakilala sa mga kapwa-kongresista.

Ayon sa kongresista na tumangging magpabanggit ng pangalan, bagama’t two-term congressman, hindi pamilyar ang ilang kasamahan kay Velasco na isa sa mga aspirante sa pagka-House Speaker.

Kinumpirma ng mambabatas na nakatanggap siya ng gift bags na may tatak na San Miguel Corporation at isang high- end cellphone mula kay Velasco noong buwan ng Mayo pagkatapos ng midterm election kung saan alam na ang mga nanalong bubuo ng 18th Congress.

Hindi naman nito makumpirma kung lahat sila ay binigyan o iilan lamang.

Bukod dito ay namigay pa aniya ito ng kahon-kahong alak noong panahon ng eleksyon.

Kumbinsido ang mambabatas na ang pamumudmod ng regalo ni Velasco ay may kinalaman sa kaniyang pagsabak sa speakership race.

TAGS: Congress, Rep. Lord Allan Velasco, Congress, Rep. Lord Allan Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.