Soberanya ng Pilipinas, hindi negotiable – Palasyo

By Chona Yu June 17, 2019 - 07:06 PM

DA Photo

Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na kailanman ay hindi negotiable ang soberanya ng Pilipinas.

Pahayag ito ng Palasyo matapos banggain ng Chinese fishing vessel ang bangka ng mga Filipinong mangingisda sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nananatili ang polisiya ng Malakanyang na hindi hahayaan na ma-assualt ang soberanya ng Pilipinas.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na papanagutin ng Pilipinas nang naaayon sa batas ang Chinese crew kapag mapatunayang sinadyang banggain ang bangka ng mga Filipinong mangingisda.

Gayunman, sinabi ni Panelo na mas makabubuting hintayin munang matapos ang ginagawang imbestigasyon ng Pilipinas at China kaugnay sa nasabing insidente.

TAGS: Filipinong mangingisda, Palayso ng Malakanyang, Recto Bank, soberenya ng Pilipinas, West Philippine Sea, Filipinong mangingisda, Palayso ng Malakanyang, Recto Bank, soberenya ng Pilipinas, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.